Bayanihan Act 2, Pasado na sa Senado!

Pasado sa Senado ang second reading ng Senate Bill 1564 o Bayanihan to Recover as One Act bilang replacement ng Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act na kung saan mas pinaigting pa ang financial assistance sa iba’t ibang sektor gaya ng farmers, public utility drivers, teachers at iba pang lubhang apektado ng COVID-19 pandemic.
Mayroong tinatayang P140 bilyong pisong pondo ang gobyerno para sa bagong panukalang batas.
Ilalaan ang P10 billion para sa COVID-19 test kits at medical supplies; P15 billion para sa subsidy programs ng displaced overseas Filipino wokers; P17 billion para sa mga unemployed na guro at sa lahat ng nasa creative industries; P50 billion para sa capital infusion ng government financial institutions gaya ng Land bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines para sa pagpapalawig pa ng mga loans o credit gurantees sa micro, small and medium enterprises (MSMEs); at P17 billion para sa “Plant, Plant, Plant” program ng Department of Agriculture at subsidies para sa mga magsasaka at mangingisda.
Kabilang din sa panukalang batas ang pagpapakulong sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon o “fake news” na may multang P10,000 hanggang P1 milyong piso. Ilan lamang ang mga ito sa mga nakapaloob sa Senate Bill 1564 o Bayanihan to Recover as One Act.
Ngayong buwan inaasahan ang expiration ng RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act.