• Radyo Pilipino News Team

Bayarin sa Tubig, Pinalawig ng Maynilad hanggang Setyembre


Muling pinalawig ng Maynilad ang palugit sa pagbabayad ng bills para sa tubig ng hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Sinabi ni Maynilad Spokesperson Zmel Grabillo, nagbigay ng panibagong ekstensiyon ang kumpanya para sa kanilang mga consumer bunsod ng batid nila ang tindi ng epekto ng COVID-19 pandemic sa hanapbuhay ng mamamayan.

Agad din nilinaw ni Grabillo na ipatutupad din ng Maynilad ang staggered payment schemes o ang utay-utay na pagbabayad ng mga consumer.

Ani Grabillo, para naman sa mga customer na may hindi pa nababayarang bill, inirekumenda nitong ipriority muna ang kasalukuyanh bill, at bayaran na lamang ang natitira ng installment. --- by, Benedict Abaygar Jr.