Bayolenteng ECQ Violators, Gagamitan ng Taser

Bahagi ng plano ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng taser sa mga bayolenteng lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ) guidelines sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, isa ang taser na tinawag nilang ‘non-violent’ sa kanilang mga ikinokonsidera maliban sa paggamit ng ibang equipment gaya ng firearm sa mga magtatangkang lalabag sa panuntunan ng ECQ.

Ani Gamboa, kasalukuyang pinag-aaralan na ito ng Directorate of Logistics dahil sila ang mas nakakaalam kung anong klase ang dapat bilhin.

Ito ang naging tugon ni Gamboa makaraang magkaroon ng mga pisikal na engkwentro ang mga tagapagpatupad ng batas at mga sibilyan sa nakalipas na mga araw.


9 views