Biñan City, Laguna, Naglusad ng Isang COVID-19 Contact Tracing Mobile App


Photo from Biñan City PIO.

Naglunsad ang city government ng Biñan sa Laguna ng isang COVID-19 contact tracing mobile app na may layong paigtingin pa ang hakbang ng lungsod laban sa mapanganib na pagkalat ng sakit sa buong bansa.

Nitong Miyerkules, hinikayat ang lahat ng residente, business owners at lahat ng mga mangagawa sa Biñan na i-download at mag-register na sa mobile app na BinD360.

Upang maintindihan ng mga users ang instruksyon ng naturang mobile app, gumawa ang lungsod ng isang BinD360 Mobile App Facebook page kung saan mas mapag-aaralan ang paggamit nito.

Sa ngayon, matatagpuan ang mobile app sa mga Android at Huawei users, maaari na rin itong gamitin ng mga Apple devices sa mga susunod na araw.