top of page

BI, Papapasukin Lamang sa Bansa ang mga Foreigners na may Permanent o Immigrant Visa


Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na simula ngayong ika-1 ng Agosto magiging limitado at mahigpit ang pagpasok ng mga foreigners sa loob ng bansa at papayagan lamang ang mga ito kung mayroong permanent o immigrant visa sa susunod na buwan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), malinaw na inihain ang resolusyon kung saan ipagbabawal ang pagpasok ng sinumang foreign tourists at non-immigrant visa holders.

Inaasahan naman na bubuksan ang iba pang visa categories para sa mga dayuhan simula ngayong Agosto, ani BI port operations chief Grifton Medina.

Inabisuhan naman ni Morente ang publiko na huwag basta-bastang maniniwala sa kumakalat na ‘fake news’ na pinapayagan na ng ahensya ang pagpapasok ng mga foreigners sa bansa dahil maaring maging sanhi ito ng pagkalito sa mga tao at maging sa mga paliparan.

bottom of page