top of page

Bida ang Gawang Face Masks at Face Shields ng mga Guro sa Nueva Vizcaya na Buwan ng Wika ang Tema


Photo from Facebook/ Saint Louis School.

Ibinida sa social media ng mga guro ng isang pribadong paaralan sa Solano, Nueva Vizcaya ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng mga face masks at face shields na disenyong katutubo bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.

Bukod sa pagpapamalas ng pagkamalikhain ng mga guro sa St. Louis School ay layon din nitong magbahagi ng kaalaman patungkol sa tamang paggamit ng mga personal protective equipments gaya ng face masks at face shields upang makaiwas sa panganib na dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-2019) sa kalusugan ng tao.

Bilang nalalapit na ang pagtatapos ng taunang pagdiriwang ng eskwelahan ay nais ng organizer na magkaroon ng patimpalak kung saan kalahok ang mga guro at muling maipamalas ang galing ng mga ito sa larangan ng sining.

bottom of page