Biden, Inihalal Bilang Ika-46 Pangulo ng Amerika


Inihalal bilang 46th President ang itinuturing na pinakatamantandang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Joseph Robinette Biden Jr. sa edad na 78-anyos nitong katatapos lamang na US Presidental Elections kung saan matagumpay niyang nasungkit ang puwesto mula kay US incumbent President Donald Trump.

Samantala, uupo bilang Bise-Presidente ng Amerika si California Sen. Kamala Harris, ang kauna-unahang Indian-American na running mate ni Biden.

Lubos naman na pinasalamatan ni Biden ang kanyang hometown sa Wilminton, Delaware at maging ang buong pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng buong Amerika sa isinagawang victory speech nito matapos manalo.

Wika ni Biden; “I pledge to be a president who seeks not to divide, but to unify”.

Batid naman ni former US President Barrack Obama na huwag mangibabaw ang hindi pagkakaintindihang politikal ng mga Amerikano at bigyan ng todong suporta ang pagkapanalo ni Biden bilang susunod na Pangulo matapos itong magpaabot ng bati kay Biden.

Nakatakdang umupo sa darating na Enero sa White House si Biden, at kahaharapin nito ang mga pangkaraniwang problema gaya ng paglubog ng ekonomiya, pagpapabuti ng justice system, at maging ang paghahanap ng payak na solusyon sa pagsupo ng pandemyang kasalukuyang kinakaharap.