"Bikeyanihan”, Inilunsad ng Isang Grupo para sa mga Manggagawang Hirap sa Transportasyon

Naglunsad ang Alumni association ng De La Salle-College of Saint Benilde ng “Bikeyanihan” na layong tugunan ang alternatibong transportasyon sa pamamagitan ng libreng bisikleta para sa mga hirap na mangagawang Pilipino patungo sa kani-kanilang trabaho kada araw gawa ng limitadong transportasyon sanhi ng pandemya.
Ang fund raising campaign na ito ay nagsimula pa noong Hunyo 5 at matagumpay na itinatag nina Nikki Angeles at Yvette Cruz na siya ring nangangasiwa sa magiging disenyo at gagamiting materyal ng ibabahaging bisikleta para sa mga manggagawa upang masigurong maayos at walang maging problema sa kanilang proyekto.
Bukod sa bisikleta, mamimigay din ang grupo ng helmets, reflectors at iba pang protective gears para sa mga inaasahang benepisyaryo nito.
Naging inspirasyon ng grupo si “Tatay Carlo”, isang candy vendor na noo’y naging viral sa social media matapos mapunta sa isang bicycle shop upang bilhin ang P4,800 na bisikleta sa halagang P2000 upang may magamit sa pagbebenta araw-araw pero kalauna’y ibinigay na lamang ito ng libre sa kanya ng may-ari ng tindahan.