Bilang ng mga Estudyante sa Klase, Babawasan
Plano ng Department of Education na paliitin ang bilang ng mga estudyante sa loob ng klase mula 15 hanggang 20 na mag-aaral sa paparating na school year ngayong taon bilang pagsunod sa strict social distancing sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa DepEd Director for Information and Communication Technology Services, magbibigay ang kagawaran ng alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga estudyante gaya ng electronic books na available sa kanilang website at sisikaping makapag-produce ng 60 e-books kada linggo, kaya naman inaasahan ang mga estudyante na mananatili sa kanilang mga tahanan habang sila’y natututo.
Gayunpaman, hinimok ng DepEd ang mga magulang na maging pangunahing gabay ng kanilang mga anak tungo sa maunlad na edukasyon lalo na’t sa ganitong krisis na kinakaharap ng mundo ay mas mainam kung ito’y magamit upang lubos na makilala ang mga ito.
Sa kabilang banda ay inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na simulan ang pagbubukas ng klase ngayong September.
