top of page

Bill na Nag-aatas ng Libreng Transportasyon para sa mga Health Workers, Inihain sa Kongreso


Photo from OVP.

Ihinain sa kongreso ang batas na nag-aatas ng libreng transportasyon sa pamamagitan ng shuttle services para sa lahat ng state and private health workers bunsod ng pandemyang kinakaharap ng bansa at sa mahigpit na restriksyon sa mga pampublikong sasakyan.

Inilatag ni Vice Chairperson of the House Committee on Metro Manila Development Rep. Precious Hipolito-Castelo ang House Bill No. 7323 o ang Proposed Free Transportation to Health Workers Act of 2020 na may layong tulungan ang mga healthcare workers na magkaroon ng libreng transportasyon sa kabila ng hindi matatawarang serbisyo sa bansa ngayong panahon ng pandemya.

Ani Castelo, hindi lamang nakakaranas ng workplace stress ang mga health workers kundi pati rin ang problema sa araw-araw na paghahanap ng masasakyan patungo sa kani-kanilang lugar ng trabaho.

Dagdag ni Castelo, nakapaloob sa bill ang free shuttle services ng bawat public and private hospitals sa lahat ng health workers sa bansa.

bottom of page