BIR, Extended ang Pagpaparehistro ng Online Business Hanggang September 30

Iniurong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpaparehistro ng mga online business sa September 30 mula sa dating deadline nito na September 1 sa dahil marami pang hindi rehistradong online seller sa bunsod ng quarantine restrictions sa bansa.
Ayon kay BIR Deputy Chief Arnel S.D. Guballa, mayroon pang nakikita ang ahensya na gustong magparehistro ngunit hindi pa aniya rehistrado ang mga ito dahil sa kaliwa’t kanang implementasyon ng community quarantine sa iba’t ibang lugar sa buong bansa kaya nahihirapan sa pagpunta aniya ang mga sellers sa kanilang tanggapan.
Samantla, mula sa inilabas na datos ng BIR ay umabot na sa tinatayang 5,650 na kabuuang bilang ng mga online businesses ang pormal nang nakapagrehistro sa kanilang ahensya.