BJMP Nakatanggap ng 3 Milyong Pisong Halaga ng Tablet at PPE na Donasyon mula sa European Union


Photo for illustration purposes only.

Nagbahagi ang European Union (EU) ng P3 milyong pisong halaga ng tablets at personal protective equipment (PPE) sa ahensya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bilang pagsuporta nito sa sakripisyo ng mga nasa justice sector sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Kasalukuyang mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ang pagdalaw ng sinuman sa kanilang tanggapan kaya ang 120 tablets na donasyon ng EU ay gagamitin sa e-Dalaw, isang online visitation program ng ahensya para sa kanilang mga detention centers at maging sa pilot testing na rin ng pagdinig sa mga criminal cases sa pamamagitan ng videoconferencing.

Makakatanggap naman ng personal protective equipment (PPE) ang mga highly congested na detention centers mula sa EU ang ahensya ng BJMP sa lugar ng Quezon City, Davao City, Cebu City, Angeles City, Bacolod City at Naga City.

Parte ng programang Governance in Justice (GOJUST) ng EU ang pondong inilaan para sa nasabing ahensya na may layong tulungan ang mga justice sector sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.