• Tj Ovivir

Black and White Photos ng mga Kababaihan, Gumawa ng Ingay sa Social Media



Bagaman ang pagpopost ng isang personal picture at selfie sa social media ay isang bagay na bibihirang gawin ng ilang mga kababaihan, kaliwa't kanan ang makikitang mga black and white pictures sa iba't ibang social platforms, upang magpahayag ng woman empowerment at pagkakaiba ng mga kababaihan.

Hindi malinaw kung papaano at kanino nagsimula ang chain na ito pero kumalat ang trend na ito sa buong bansa at ang pangunahing layunin ay magpost ng black ang white photo na may caption na "challenge accepted" at magnonominate ng mga internet friends.

Samantala, pati ang mga huge female personalities ay nakiisa sa women empowerment movement na ito gaya nina Lea Salonga, Heart Evangelista, Marian Rivera, Angel Locsin, Pia Wurtzbach, Coleen Garcia at marami pang malalaking personalidad.