• Radyo Pilipino News Team

Black Student, Hinirang na Valedictorian sa Princeton University

Hinirang ng Princeton University sa New Jersey, USA ang kanilang kauna-unahang Valedictorian na black person sa loob ng 274 taong kasaysayan ng kilalang unibersidad.


Inanunsyo ng Princeton si Nicholas Johnson, isang Canadian student sa Operations Research and Financial Engineering, bilang Class of 2020 valedictorian sa isang press release.


Sinabi ni Johnson na umaasa siyang ang kaniyang karanasan ay magsilbing inspirasyon sa mga batang black students lalo ang mga estudyanteng interesado sa STEM fields.


Magsisimula na si Johnson ng kaniyang internship bilang isang hybrid quantitative researcher at software developer sa D.E. Shaw Group, isang global investment and technology development firm, at sisimulan na ang kaniyang PhD studies sa Massachusetts Institute of Technology pagkatapos.