• Malou Manuel

Black Water Team, Eexit na sa PBA


Photo from ESPN.

Nagpahayag ang Team owner ng Blackwater Elite na Dioceldo Sy na ibebenta na niya ang kanyang team matapos ang anim na taon nito sa PBA.

Nag ugat ang planong pagbenta ni Mr. Sy matapos itong hingan ng paliwanag hinggil sa napaagang practice ng team bago pa magpalabas ng go signal ang Inter Agency Task Force para sa practice ng mga team.

Nakasunod naman umano ang tropa ng Elite kung saan may physical distancing ang mga players habang nagwo-workout at practice shooting.

Ang Blackwater ay pumasok sa PBA sa panahon ng 2014-2015 kasabay ng team ng Kia Sorento na dadalhin ngayon bilang Terra Firma Dyip.

Sa 15 conference ng Elite, bukod tangi sila lamang ang gumawa ng mga playoff ng apat na beses na hindi nagawa sa nagdaang quarter finals.

Kinuha ng Elite si Nash Racela ngayon bilang head coach para sa taong kasalukuyan kung saan pinalitan niya si Aris Dimaunahan matapos pangasiwaan ang koponan noong 2019.

Nagparamdam rin ang Game and Amusement Board (GAB), na posibleng parusahan ang ballclub dahil sa paglabag sa protocol ng IATF.

Planong ibenta ang nasabing team sa halagang P150M bilang isang buong package.