• Malou Manuel

Blackwater Elite, Hindi na Ibebenta


Nagbago ang ihip ng hangin ni Blackwater team owner Dioceldo Sy at hindi na umano Ibebenta ang kanilang franchise.

Pinatawad siya ng Inter Agency Task Force o IATF sa maagang pagbalik ensayo at bahala na umano ang PBA sa kanila.

Naayos naman ang problema sa pagitan ni Sy at ng PBA sa pangunguna ni Commissioner Willie Marcial.

Bagamat nung nakaraang Linggo ay mainit na mainit ang usapan na binebenta na ang Elite team sa halagang P150M, dahil nasaktan umano ang ego ni Mr Sy nang hiningan ito ng paliwanag sa maagang pag ensayo ng koponan.

Dahil sa paglabag nga daw ay pinagmulta pa ng PBA si Dioceldo ng P100,000.


Napag usapan na naman ng maayos ang naging problema ng management, at Professional league.

Samantala, nakatakda sa August 6 na magpa swab test ang labindalawang teams ng PBA na isasagawa sa Makati Medical Center, mauuna dito ang Blackwater para sa paghahanda sa pagbalik practice at sisimulan ang scrimage.