top of page

Blood Thinners, Nakakababa ng Tiyansa ng Pagkamatay sa COVID-19


Natuklasan ng mga mananaliksik sa Mount Sinai Health System sa New York, USA na nakakapagpababa ng tiyansa ng pagkamatay ng 50 porsyento ang mga COVID-19 patients na binigyan ng blood thinners o anticoagulants.

Ayon sa pag-aaral, sa mahigit 4,300 pasyente, na inilathala sa Journal of the American College of Cardiology, 30 porsyento din mas mababa ang tiyansang i-intubate o lagyan ng ventilators ang mga pasyenteng nabigyan ng anticoagulants.

Sinabi naman ng pinuno ng pag-aaral na si Dr. Valentin Fuster na mas mataas ng 4 na posyento ang mortality rate sa mga hindi nabigyan ng blood thinner.

Ayon pa sa autopsies na isinagawa sa mga pumanaw, 42 porsyento ng mga pumanaw sa COVID-19, na hindi tinurukan ng anticoagulant, ang nakitaan ng pamumuo ng dugo sa utak, baga, atay, at puso.

bottom of page