• Malou Manuel

Boksingerong si Eumir Marcial, Mag-aapply na ng Lisensiya sa GAB


Photo from Facebook/eumirfelix.marcial

Nakatakdang mag apply ng professional license ang boksingerong si Eumir Marcial sa Games and Amusement Board (GAB).


Inaasahan ni Chairman Baham Mitra na pagkatapos ng Modified Enhance Community Quarantine ay makakapunta na ito sa kanilang tanggapan para makakuha ng professional license.


Handang tulungan ng ahensiya ng GAB na maayos ang lisensiya ng boksingero.


Si Marcial ngayon ay nakakontrata sa MP Promotion ni Senator Manny Pacquiao.


Sinabi naman ni Mitra na puwede itong mag apply thru online para pagpunta sa Makati office ng GAB kukunin na lamang nito ang License ID.


Sa ngayon naghahanda ang 24 anyos para kanyang unang laban sa professional fight ngayong Oktubre taong kasalukuyan at prioridad pa rin niya ang pagsungkit ng gold medal sa Tokyo Olympics.