• Malou Manuel

Bong Alvarez at Almirah Mulach Proud sa Kanilang Anak na Magna Cumlaude


Contributed photo.

Bagamat matagal ng hiwalay si PBA Legend Bong Alvarez at actress Almirah Mulach ay naging maganda naman ang buhay ng tatlong anak nilang babae.

Ang mga anak ni Mr. Excitement ay nasa poder ng kanyang ex-wife, na hindi naman napabayaan ng basketbolista ang mga anak bagkus ay laging may bonding ang player sa mga anak lalo na kapag mga nagdiriwang ng kaarawan ang mga ito.

Pawang mga dalaga na ang mga anak ni Alvarez, na sina Yssa Alvarez na sumunod sa yapak ng kanyang ina na naga artista sa ngayon. Naging muse ito ng Alaska Aces noong opening ng 45th season ng PBA. Dating team ni Mr. Excitement ang Aces noon.

Ang bunsong si Ylla naman ay nag aaral pa, habang si Inna, ang pangalawa ay nagtapos kamakailan sa University of Asia & the Pacific, ng Bachelor of Science in Entrepreneurial Management at nagkamit ng kaeangalab bilang Magna Cum Laude.

Katunayan, nagta-trabaho na rin si Inna sa isang company na isang Insurance Adviser at Broker kahit abala sa kanyang trabaho ay hindi niya napabayaan ang kanyang pag aaral at hindi naging hadlang sa kanila ang paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Congrats!