Boracay at Bohol, Nakaplano nang Buksan para sa mga Turista


Alona Beach, Bohol, Philippines

Plano ng Department of Tourism (DOT) ang muling pagbubukas ng turismo na kilalang puntahan at magandang destinasyon ng mga turista tuwing tag-init – ang Boracay at Bohol dahil sa maliit na kaso ng COVID-19 sa mga lugar na ito.

Ayon kay DOT Secretary Berna Romulo Puyat, isa ang Boracay at Bohol sa kanilang focal points na muling bubuksan para sa mga turista dahil mayroon lamang itong maliit na kaso ng coronavirus disease 2019.

Nakahandang bisitahin ni Puyat ang dalawang lugar sa susunod na linggo upang masiguro ang health at safety conditions ng mga ito kung sakaling muling buksan sa publiko.

Matatandaang noong isinailalim ang ibang lugar sa buong bansa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay unang isinara ng ahensya ang turismo ng Boracay, kaya naman inaasahan ng karamihan na una rin itong bubuksan matapos ang mas pinaluwag na restriksyon ng gobyerno sa community quarantine.