top of page

“Bossing Tumador” Lambanog Nakamamatay, Babala ng FDA

Nakatanggap ang Department of Food and Drug Administration (FDA) ng mga reports ng mga kaso umano ng pagkamatay sanhi ng pag-inom ng ‘Bossing Tumador’ lambanog.

Ayon sa pagsusuri na ginawa ng FDA sa walong samples na nakalap sa ilang barangay sa Dasmariñas, Cavite ay lumalabas na mayroon itong mataas na antas ng ‘methanol’.

Ang ‘methanol’ ay isang kemikal na karaniwang ginagamit bilang solvent sa chemical synthesis at fuel, kaya ang pagkonsumo ng sinasabing lambanog ay maaring magdulot ng pagkabulag, permanent neurologic dysfunction o pagkamatay.

Inabisuhan naman ng FDA ang publiko na huwag basta-bastang bibili o iinom ng lambanog na hindi rehistrado o hindi apubado ng ahensya.

Maaring ipagbigay alam ang mga unregistered na distribusyon ng mga food products sa email ng FDA o itawag sa hotline Center for Food Regulation and Research o CFRR.



bottom of page