top of page

Breastfeeding, Ligtas pa din sa Kabila ng Coronavirus, Ayon sa Pag-aaral ng WHO


Photo for illustration purposes only.

Hindi dapat mangamba ang mga nanay sa pagpapa-breastfeed sa kanilang mga anak kahit pa ngayong panahon ng corona virus.

Ipinahayag ni WHO director-general Tedros Adhanom-Ghebreyesus na masusi at mabusising pinag-aralan ng organisasyong ang epekto ng naturang virus sa breastfeeding kaya naman walang dapat pangambahan ang mga inang nais na ipagpatuloy ito.

Sinabi niya na bagamat mababa ang tsansa ng mga sanggol na magkaroon ng COVID-19, mataas naman ang benepisyong dala ng breastfeeding para sa mga ito upang malabanan ang iba't ibang virus at sakit na maaaring dumapo.

Dagdag naman ng senior advisor sa Department of Reproductive Health and Research ng WHO na si Anshur Banerjee, wala pa silang nahahanap na 'live transmission' ng coronavirus sa breastmilk kaya wala pang posibilidad na magkahawahan ang ina at anak.

bottom of page