top of page

BSP: May Pondo Pambili ng Covid-19 Vaccine


Photo from Facebook.com/BangkoSentralngPilipinas

Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang agam-agam ng publiko na walang sapat na pondo ang bansa para makabili ng bakuna kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) oras na mailabas na ito sa merkado.


Nilinaw din ni BSP Governor Benjamin Diokno na hindi na rin kinakailangan pang magbenta ng ari-arian ang bansa para may maipambili ng naturang bakuna gaya ng mga naunang pahayag ni Pangulong Duterte.


Ani Diokno, maaaring nagbibiro lamang ang Pangulo nang sabihin nito ang pagbebenta ng ari-arian upang maka kalap lamang ng pondo ang bansa para sa inaabangang bakuna.


Kamakailan lamang maging si Presidential Spokesperson Harry Roque ay nagpahayag din ng planong pagbebenta ng gobyerno sa mga ari-arian nito para makaipon ng pambili ng nabanggit na bakuna bilang pagpahahalaga ng Pangulo sa bawat buhay ng mga Pilipino. ---by, Benedict Abaygar

bottom of page