BTS at mga 'Army', Nagbahagi ng $2M sa Black Lives Matter Movement

Dahil sa maingay at kabi-kabilang kilos protesta upang tuldukan ang black discrimination, nag-donate ng $1 million ang K-pop idol na BTS sa Black Lives Matter movement, kasabay ng fund-raising ng charity group ng fans nila, ang "One in An ARMY" na nakalikom din ng karagdagang $1 million.
Sa isang tweet ng BTS, sinabi nilang mariin silang naninindigan laban sa racial discrimination at kinokondena nila ang anumang uri ng karahasan.
Ginamit naman ng K-pop group na ito at ng kanilang mga fans ang social media upang alisin ang #WhiteoutWednesday na naglalayong tabunan ang #BlackLivesMatter at #BlackoutTuesday.
Samantala, ang mga fans din ay gumawa ng kabi-kabilang memes na nagpapahayag ng pagsuporta sa #BlackLivesMatter.
Matatandaang nagsimula nag isyu ng racial discrimination sa United States pagkatapos ng pagkamatay ni Geroge Floyd, na nagbigay daan upang labanan ang diskriminasyon sa lahi sa buong mundo.