• Malou Manuel

“Bubble Type” Golf Tournament, Planong I-organisa


Planong mag-organized ng isang ala “Bubble Type” tournament ang Philippine Golf Tour sa susunod na taon, 2021 sa iba’t ibang parte ng Luzon upang maipagpatuloy ang paglalaro na naaayon sa health and safety standards at protocols ng gobyerno.

Ayon kay Games and Amusement Board Golf consultant Oliver Gan, naglabas ng proposal ang Philippine Golf group na magkaroon ng mala-NBA type na klase ng torneo na ilalagay sa isang Hotel. Dito mananatili ang mga golfers na dadaan sa masusing Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test or swab testing at iba pang mga health at safety standards na inilatag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health.

Sinabi rin ng dating Philippine Sports Commission (PSC) sports coordinator na susunduin ang mga ito ng pribadong transportation para ihatid sa mga designated golf courses, kung saan napipisil na ganapin nito ang Summit Point Golf and Country Club sa Lipa, Batangas, Beverly Place Golf Club sa Mexico, Pampanga at iba pang mga golf courses, partikular sa parte lang nga Luzon.

Inaasahang aabot umano sa 80 pro-golfers sa buong bansa ang lalahok sa anim na iba’t ibang torneo. Bagamat nakikita ng mga organizers na magiging magastos ang palaro. Ang mga lalahok ay maaaring umabot sa P20,000.00 kada buwan ang gastusin ng isang pro-golfer.

“This are all under their proposal, pero lahat ng ito ay pinag-aaralan dahil sa malaki ang gastusin ng ating mga pro-golfers, lalo na’t kung di maganda ang laro ng isang player tapos mag-risk siya magbayad ng P20,000,” pahayag ni Gan.