top of page

Bubonic Plague, Binawian ng Buhay ang Isang 42 Anyos sa Mongolia


Inanunsiyo ng health ministry ang pagkamatay ng isang 42-anyos na lalaki sa Mongolia, isang karatig bansa ng China, matapos itong mainfect ng bubonic plague.

Samantala, halos 70 katao naman ang nakahalubilo ng naturang lalaki at kasalukuyang nasa quarantine.

Matatandaang nagdala ng dalawang marmots ang lalaki bago ito nagkasakit.

Ayon sa pag-aaral, ang bubonic plague ay galing sa mga fleas na matatagpuan sa mga marmot na normal na makikita sa Mongolia, at isang kaso ng black death kada isang taon ang naitatala.

bottom of page