• Radyo Pilipino News Team

'Build, Build, Build', Planong Ibalik at Palakasin ng Department of Finance

Nais ng Department of Finance na palawigin muli ang 'Build, Build, Build' program ng pamahalaan para maibalik ang pag unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang sinabi Deparment of Finance Secretary Carlos Dominguez, sa isang cabinet meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayundin, ipinayo niya na kailangang magkaroon ng mass hiring sa mga contact tracers ng COVID-19 upang mas mapalawak pa ang pagsugpo sa pandemic na ito.

Isiniwalat naman ng economic team ng administrasyon na mahigit 1.2 million hanggang 1.5 million ang mga nawalan ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine kaya naman makapagbibigay ng trabaho ang nasabing proyekto sa mga Pilipino.