Buntis na Elepante sa India, Patay Matapos Aksidenteng Makakain ng Piñang may Pasabog sa Loob

Patay ang kinse-anyos na buntis na elepante sa Kerala, India pagkatapos aksidenteng makain ang isang piñang may pampasabog sa loob na ginagamit ng mga plantation worker na pantaboy ng mga ligaw na baboy ramo mula sa mga plantasyon.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, isang linggo ang lumipas pagkatapos sumabog sa loob ng bibig ng hayop ang paputok bago ito namatay sa ilog ng Velliyar noong ika-27 ng Mayo.
Agad namang iniutos naman ng Indian Ministry ang pag-aresto sa tatlong manggagawa
na responsible sa paglalagay ng paputok sa loob mng prutas.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isa sa mga salarin samantalang patuloy parin
hinahanap ang dalawa pang natitira.