Business Restrictions, mas Pinaluwag ng Gobyerno

Matapos ang limang buwang pagkakasarado ng ilang mga negosyo sa bansa dahil sa kaliwa’t kanang lockdown ay pinapayagan na ng pamahalaan na magpatuloy ang economic activities sa ilalim ng General community quarantine at Modified general community quarantine.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 20-44 na inisyu ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong July 31,2020 ay nakapaloob ang mga idinagdag na business activities na papayagang buksan sa GCQ at MGCQ areas gaya ng barbershops at salons.
Kabilang din sa MC 20-44 ang operasyon ng testing, tutorial at review centers; internet cafes; pet grooming; drive-in cinemas; dermatological clinics; at iba pang personal care services maliban ang full body massage.
Pinapayagan na rin ng ahensya ang gyms, fitness centers at ibang sports facilities ngunit limitado lamang at kinakailangang sumunod sa 30 percent operational capacity upang mapanatili at masiguro ang kaligtasan ng mga tao.
Nakasisiguro naman si DTI Secretary Ramon M. Lopez na mahigpit susundin ng mga naturang establisyimento ang health protocols ng pamahalaan.