top of page

Buwanang Gastos ng mga Ahensiya sa COVID-19, Ipinabubunyag ni Pangulong Duterte


Photo from PCOO.

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa National COVID-19 Task Force ang paglalantad ng mga ahensiya ng expense report kada 15 araw o kada buwan. Kabilang dito ang gastos na ginugol ng mga government agencies sa COVID-19 response.

Ito’y matapos sumabog ang kontrobersiya ng di umano’y P15 billion korupsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Inutos din ng pangulo na ilagay sa dyaryo ang lahat ng procurement proposals ng mga ahensiya at ang bidders ng mga ito.

Siniguro naman ni Duterte sa publiko na walang korupsyon sa paggamit ng COVID-19 response fund at ipinarating ang tiwala nito sa mga iniwanan niya ng pondo. Nasa P376 billion na ang kasalukuyang gastos ng gobyerno sa paglaban sa pandemiya.

Nanawagan naman si Duterte sa Kongreso na siguraduhing ligtas ang bagong Bayanihan 2 Act mula sa korupsiyon.

bottom of page