Buwis para sa mga Online Transactions, Aprubado na ng Kongreso

Dahil mas popular at kombinyente sa panahon ng pandemic ang online market, inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang value-added tax na 12% sa lahat ng digital transactions sa buong bansa.
Dahil dito, magkakaroon ng reporma ang National Internal Revenue Code of 1997 sa pangunguna ni Albay Representative Joey Salceda na layong magpataw ng buwis sa mga online service providers.
Kasama sa mga transaksyon na ito ay ang online advertisements, e-learning at online courses, at subscription at payment processing services.
Samantala, inaasahan naman ni Finance Assistant Secretary Dakila Napao na makakakuha ang pamahalaan ng karagdagang budget na P10 billion dahil sa buwis na ito.