top of page

Buwis sa Online Gaming, Pasado na sa Kamara


Inaprubahan na ang inihaing panukala ni Albay Representative Joey Salceda na pagpataw ng buwis sa mga legal online sabong at iba pang legally operated electronic betting activities ng House Committee on Ways and Means.


Sa ilalim ng House Bill 7919 na iniakda ni Salceda ay papatawan ng 5 percent gross revenue ang online betting na ibabatay sa panuntunan ng Offsite Betting Activities on Locally Licensed Games na maaring gamitin bilang pondo sa COVID-19 response ng pamahalaan.


Dagdag ni Salceda, maliban sa ipapataw na buwis ng pamahaalan ay hiwalay umano ang ipapataw na buwis ng local government units para rito.


Sinabi naman ni Games and Amusement Board chair Abraham Mitra na mayroong P50 bilyong kinikita kada taon ang online sabong at ibang kahalintulad nitong laro, ngunit aniya’y walang nakokolektang malaking revenue ang mga lokal na pamahalaan.


Nais naman ni Salceda na pangasiwaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpataw ng mga buwis sa mga naturang laro o aktibidad online.

bottom of page