Cagayano Volunteer Worker, Isang Hong Kong Volunteer Movement Award Nominee

Kabilang si Pinoy charity volunteer Herson Raquino sa mga finalist’s ng 2020 Volunteer Movement Award ng Social Welfare Department ng Special Administrative Region Government ng Hong Kong.
Ang Cagayano din ang hinirang na 2019 bronze awardee para sa Individual Volunteer Award ng parehong organisayon.
Pinangungunahan ni Raquino ang Project Lapis, isang proyektong nagbabahagi ng mga school supplies at iba pang mga pangangilangan ng mga katutubong mag-aaral upang makapasok sa eskwela.
Bukod sa pagsasagawa ng medical-dental mission sa mga liblib na lugar sa Cagayan, tumutulong din ang grupo ng volunteer worker sa polisya, medical workers, sundalo, at mga guro sa pamimigay ng relief packs sa mga mamamayan.
Ipinarating naman ni Raquino ang higit na pasasalamat nito sa mga parangal na natatanggap at sinabing inaalay niya raw ang lahat ng kaniyang narating sa mga indigenous people.