Caloocan City, Gagamit ng Quarantine Wristbands para sa COVID-19 Contact Tracing

Inilunsad ng Caloocan City government ang paggamit ng quarantine wristbands para sa mga nagkaroon ng close contact sa mga pasyenteng mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang naging pagsuway ng mga ito sa naturang instruksyon ng lungsod.
Ayon kay Caloocan COVID-19 Command Center head Sikini Labastilla, makatutulong ito upang masubaybayan ang kalagayan ng mga nagkaroon ng close contact sa COVID-19 patients at masiguro na nananatili lamang ang mga ito sa kanilang mga tahanan o sa mga quarantine facility habang hinihintay ang kanilang test results upang maiwasan aniya ang paggala ng mga ito.
Sa pamamagitan ng cellular phone ay makakalap na ng COVID-19 Command Center ang lokasyon ng mga close contact ngunit kailangan magpa-check ang ito ng dalawang beses sa isang araw para maging updated ang nasabing command center.