top of page

Caloocan City, Magbibigay ng Trabaho para sa 200 Tricycle Drivers


Photo from Facebook.com/PESO.CaloocanCity

Sa pakikipagtulungan ng isang food delivery service company ay mabibigyan ng trabaho ang 200 tricycle drivers na labis naapektuhan ang pamumuhay sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bansa sa Caloocan City.

Ayon sa local government ng Caloocan, magbubukas ang food delivery service company na Food Panda para 200 tricycle drivers ng Caloocan City habang nasa ilalim parin nang mahigpit na quarantine restrictions ang buong lungsod.

Ani Caloocan City Mayor Oca Malapitan, isa lamang ito sa hakbang ng kanilang bayan upang ibangon at ipagpatuloy ang buhay ng mga tricycle drivers matapos mabakante ng ilang buwan dahil sa mahigpit na panuntunan ng pamahalaan dahil sa pandemyang kasalukuyang lumalaganap sa buong bansa.

bottom of page