top of page

Carbon Emission sa Buong mundo, Posibleng Bumagsak ng 7% Ngayong Taon

Bunsod ng corona virus disease (COVID-19) lockdown, maaaring bumaba ng 7% ang global carbon dioxide (CO2) emissions mula sa mga fossil fuels ngayong 2020, ang pinakamataas na pagbaba na maitatala simula noong World War II, ay hindi pa rin gaanong magdudulot ng global warming.

Noong nakalipas na buwan ng Abril, bumagsak ng 17% ang carbon pollution sa buong daigdig, mas mababa kumpara sa bilang nito sa kaparehas na buwan noon nakaraang taon, ayon sa first peer-reviewer assesment sa mga epekto ng lockdown sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Sinabi ni Corinne Le Quere, isang professor sa Tyndall Centre for Climate Change Research ng University of East Anglia sa Norwich, England, nagdulot ang mga quarantine ng malaking mga pagbabago sa energy use at CO2 emissions, pero pansamantala lang daw ito dahil hindi naman nito lubusang naapektuhan ang ekonomiya, transportasyon at energy systems.

Kung magpapatuloy ang mga population confinement sa buong taon, hindi imposibleng bumaba sa 7% ang CO2 emission. Ngunit kung makaka-recover na iba't ibang bansa sa Hunyo, maaaring 4% lamang ang ibababa nito.



bottom of page