top of page

Cardinal Tagle, Itinalaga Bilang Inter-Religious Council ng Vatican


Itinalaga ni Pope Francis si Dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang bahagi ng Pontifical Council for Inter-Religious Dialogue ng Vatican matapos ang pagkakaluklok bilang Cardinal bishop ng bansa.

Ayon sa Vatican, magiging tungkulin ni Tagle ang pagtataguyod ng inter-religious dialogue, responsableng pag-unawa sa isa’t isa, respeto at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga Katoliko at iba pang pangkat ng relihiyon.

Bukod sa iba pang mga responsibilidad ni Tagle sa Vatican, bahagi rin ng kanyang tungkulin ang paghikayat sa pag-aaral ng mga relihiyon at pagtataguyod sa pagbuo ng mga taong may tuon sa pag-unawa ng dialogue.

Lubos namang ikinatuwa ni Manila Auxiliary Bishop at Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila Broderick Pabillo ang pagtatalaga ng Filipino cardinal sa Vatican.

bottom of page