top of page

Cebu Artist, Tampok sa France!


Photo from facebook.com/Kniel.Nangit.Art

Tampok sa isang French journal ang Cebu-based artist na si Elgeniel “Kniel” Nangit dahil sa mga pambihirang painted artworks nito gamit ang disposable surgical masks bilang kanyang canvass na bidang-bida sa kasalukuyan dahil nagsisilbing proteksyon laban COVID-19.

Bagama’t ang iba’y takot at pag-aalala ang nararamdaman sa mga panahong ito ngunit ang Mandauehanon artist na si Kniel ay ginamit sa mas makabuluhan at kapakipakinabang ang mga araw na lumilipas dahilan ng kaliwa’t kanang lockdown sa Cebu.


Bawat painted artworks ni Kniel ay may ibig-sabihin at representasyon ng kasalukuyang pandemyang nararanasan ng buong bansa gaya na lamang ng tribute na ginawa niya sa isang PWD na lalaking Foodpanda na nagbigay inspirasyon sa kanya.


Reggae legend Bob Marley, Van Gogh’s “Starry Night” ay ilan lamang sa mga Facebook uploads niya na umani ng papuri at pakamangha sa mga tao.

Una nang nakuha ng Mandauehanon Artist ang atensyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia hanggang sa itinampok ito sa French news site na Le Petit Journal.

bottom of page