• Estephany Rivera

Cebu City, Nagtalaga ng 80 Koponan ng Contact Tracers


Cebu CIty

Nagtalaga si Cebu City Mayor Edgardo Labella ng 80 koponan ng contact tracers sa buong lungsod upang matagpuan ang mga taong nagkaroon ng close contact sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa isang panayam kay Labella, sinabi ng alkalde na pinagsumikapan nilang makabuo ng mga koponan ng contact tracers upang matulungan ang lungsod sa pagsugpo nito sa nakahahawang sakit matapos mailagay sa isa na namang pagkakataon ang Cebu City sa ilalim ng Enhanced community quarantine hanggang July 15.

Mayroong anim na miyembro ang bawat koponan na binubuo ng isang lider kasama ang iba pang miyembro nito.

Ani Labella, mayroon na ring kapasidad ang lungsod na makapag-release ng COVID-19 test results sa loob lamang ng 48 hours.

Natutuwa naman ang alkalde dahil malaki aniya ang suporta ng gobyerno sa kanilang lungsod sa kabila ng sitwasyong kinakaharap ng bansa.