top of page

CHED, Ipinahihinto ang Face to Face Classes sa Kolehiyo at Unibersidad

Updated: Apr 24, 2020

Inanunsiyo ng Commission on Higher Education na hindi na kailangang umattend ng

face-to-face classes ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad na

sumusunod sa bagong school calendar.

Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera, ititigil na ang regular resident classes

ngunit inaasahan pa rin ang mga estudyante na magsumite ng mga requirements, take-

home assignments, at learning modules para sa pag-cocompute ng grado.

Samantala, inutusan ni De Vera ang mga paaralang sumusunod sa lumang school

calendar na tapusin na ang kanilang semestre sa ika-30 ng Abril.

Pinayuhan naman ni De Vera ang mga kolehiyo at unibersidad na gusto pa ring

ipagpatuloy ang regular na klase, ngunit hindi pa naaapektuhan ng COVID-19, na

makipag-ugnayan sa kani-kanilang local authorities sa kung ano ang pinakamabisang

pagkilos.


bottom of page