CHED, Nagbahagi ng P15B bilang Kontribusyon sa COVID-19 Response

Nagbahagi ng tinatayang P15,317,631,000 kabuuang halaga ang Commission on Higher Education (CHED) bilang bahagi ng kontribusyon nito sa krisis na kasalukuyang kinakaharap ng buong bansa.
Ang kontribusyong ibinahagi ng ahensya ay galing sa iba’t ibang pondo ng mga pending programs ng CHED na dapat iimplementa ngayong taon ngunit sa kabila ng global pandemic na kinakaharap ay tiyak na mahihirapang maisagawa ang mga nakahandang proyekto kaya inilaan na lamang ang nasabing pondo sa COVID-19 response.
Kabilang sa mga dapat nakahandang programa ng CHED ngayong taon ay ang financial assistance sa higher education institutions (HEIs); pagsasagawa ng mga basic e-learning facilities sa state universities and colleges (SUCs); financial assistance para sa mga post-graduate students; incentives, scholarships at grants para sa mga estudyante at iba pa.
Ang CHED ang single agency na may pinakamalaking kontribusyon bilang pag-suporta sa mitigating strategies ng bansa laban sa health crisis na kasalukuyang nararanasan.