top of page

CHED, Nilinaw na Wala pa rin Face-to-Face Classes sa July


Pinabulaanan ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III ang mga ulat na magkakaroon ng ‘pilot-testing’ ang ahensiya simula Hulyo para sa face-to-face classes sa kolehiyo.

Nilinaw ng CHED na wala silang inilabas na ganitong anunsiyo at binabalangkas pa lamang ng mga awtoridad ang guidelines para sa posibleng limitadong face-to-face classes sa low-risk areas para sa blended learning.

Ayon pa kay De Vera, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Technical and Skills Development Authority (TESDA) sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas na magsagawa ng limitadong physical classes simula sa Hulyo.

Kaya naman nakikipag-ugnayan na umano ang CHED sa Department of Health (DOH) sa pagbabalangkas ng mga guidelines sa posibleng limitadong face-to-face classes sa state universities and colleges (SUCs)

Dagdag pa ng CHED chair na kung aaprubahan man ng IATF ang mga isusumiteng guidelines, siya mismo ang bibisita sa mga HEIs upang siguraduhing ligtas at sumusunod sa health protocols ang mga pasilidad nito.

bottom of page