top of page

CHED, Papayagan na ang mga Med School na Tumanggap ng mga Estudyante Kahit Walang NMAT


Matapos nakansela ang National Medical Admission Test (NMAT) para sa darating na taon dulot ng pandemya, pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) na tumanggap ng mga estudyante ang lahat ng Medical schools sa bansa kahit wala ang resulta ng naturang pagsusulit.

Ang NMAT ay kinakailangang isagawa ng Center for Educational Measurement taon-taon upang masala ang mga kwalipikado para sa mga paaralang pang-medisina.

Ipinatupad ito ng CHED matapos dinggin ang mga reklamo at apela ng nasa mahigit 9,000 na estudyante na hindi nakapag-NMAT, at ng kanilang mga magulang.

bottom of page