• Tj Ovivir

Chicken Wings Mula sa Brazil, Napag-alamang Positibo sa Coronavirus


Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan sa Shenzhen, China ang mga consumers na mag-ingat sa mga produktong kanilang pinamimili matapos mapag-alamang positibo sa coronavirus ang surface sample ng chicken wings mula sa Brazil.

Ayon sa pag-aaral, ang virus ay natagpuan mismo sa karne nito, kumpara sa ibang nga produkto galing sa ibang mga probinsya ng China, na sa packaging lamang namataan ang coronavirus.

Sa registration number ng naturang produkto, nanggaling ito mula sa Aurora Alimentos plant sa southern state ng Santa Catarina sa Brazil.

Ayon naman sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng Shenzhen, negatibo sa tests ang mga nagkaroon ng contact sa chicken wings.