China, Nangangakong Hindi ito Magdedeklara ng Giyera Laban sa Kahit Anong Bansa

Isang dokumento na naglalaman ng 51 pahina ang inilabas ng gobyerno ng China na nangangakong hindi ito magtatalaga ng digmaan laban sa ibang mga bansa upang mapalawig ang kapangyarihan at impluwensiya nito.
Inilabas ang "China's National Defense in the New Era" matapos paulit-ulit na binabanggit ni President Rodrigo Duterte na posibleng magresulta ng digmaan ano mang oras ang laban ng dalawang bansa para sa West Philippine Sea.
Ayon sa dokumento, masaklap na ang sinapit ng mamamayan ng China dahil sa mga nakalipas na digmaan, kaya mas malaki na ang pagpapahalaga nito sa kapayapaan at hindi na mauulit ang gayong mga pangyayari.
Samantala, nakasaad din dito ang iba't ibang mga measures na gagawin ng China sa mga teritoryong ipinaglalaban nito laban ang ilang mga karatig bansa.