Chinese City, Nagtaas ng Babala sa Hinihinalang Kaso ng Bubonic Plague

Itinaas ng mga awtoridad sa third-level alert ang siyudad ng Bayan Nur sa Inner Mongolia, China matapos iulat ng isang ospital ang pinaghihinalaang kaso ng Bubonic plague sa lugar.
Pinagbawalan muna ng mga awtoridad ang paghuli at pagkain ng mga hayop na maaaring may dala ng sakit. Nagmumula ang plague sa kagat ng pulgas o fleas na karaniwang makikita sa mga daga at iba pang maliliit na hayop.
Pinaalalahanan din ang publiko na agad ireport ang anumang suspected na kaso ng sakit o ‘di kaya’y lagnat na walang klarong pinagmulan.
Kabilang sa mga sintomas ng Bubonic Plague ang lagnat, sakit ng ulo, panginginig, panghihina, at pamamaga at pananakit ng lymph nodes.
Apat ang itinalang kaso ng nasabing sakit, dalawa ay pneumonic plague, Nobyembre nang nakaraang taon mula din sa Inner Mongolia.
Matatandaang Bubonic plague o kilalang “Black Death” din ang pumatay sa nasa 50 porsyento ng populasyon ng Europa noong 1400s.