top of page

CHR, Nagbabala sa Posibleng Pandemya sa Mental Health


Binalaan ng Commission on Human Rights (CHR) ang lahat hinggil sa nagbabadiyang mental health pandemic na maaaring maganap sa kalagitnaan ng laban ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay CHR Spokeswoman Jacqueline De Guia, dala umano ito ng tumataas na bilang ng mga kumpanyang nagpapatupad ng work from home arrangement na nagpapahirap sa mga taong magbalanse na kanilang mga nakagisnang routines.

Sinabi pa ni De Guia na tumataas na ang natatanggap na suicide-related na tawag ng National Center for Mental Health (NCMH) mula 33 calls kada buwan noong Enero hanggang Marso, hanggang sa 115 call nitong Hulyo.

Idinagdag pa ng spokeswoman ang datos mula sa Social Weather Stations (SWS) survey noong Hulyo na nagsasabing 84 percent sa mga Pinoy ang nakararanas ng stress mula sa COVID-19 pandemic.

Pinuri naman ni De guia ang efforts ng gobyerno at ng mga medical frontliners tulad ng mga counselors at psychiatrists na nagtatrabaho upang makapagpagaan ng loob sa mga naghihirap ngayong pandemiya.

Hinikayat naman ng ahensiya ang lahat na ialay ang kanilang presensiya sa isa’t-isa upang mapagaan ang mga dinadala ng bawat isa.

bottom of page