top of page

CHR, Naglunsad ng Isang Online Portal para sa Gender-Based Violence Ngayong Lockdown!


Naglunsad ang Commission on Human Rights (CHR) ng isang online system kung saan maaring ipagbigay alam ang mga insidente ng nagaganap na gender-based violence (GBV) sa loob man ng tahanan o maging sa kinabibilangang komunidad sa kalagitnaan ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ang online portal na e-Report sa Gender Ombud ay pwedeng ma-access gamit ang website na gbvcovid.report, matapos buksan ang website, may ilang mga katanungan na kailangang sagutin patungkol sa naganap na insidente at dito mabilis na maipaparating sa ahensya ang naging kaso ng pang-aabuso.

Ginawa ang nasabing online portal upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga biktima nang hindi na kinakailangan pang pumunta sa mismong tanggapan ng ahensya upang idulog ang kaso.

Hinimok naman ng CHR ang publiko na agarang dumulog sa tanggapan ng Philippine National Police’s Women and Children Protection Center kung kinakailangan na itong gawan ng agarang aksyon at kung mapanganib na ang sitwasyon.

bottom of page