CHR, Pinatatanggal ang ‘Discriminatory’ Train Ban sa mga Senior Citizens


Photo from mrt3.com

Hinimok ng Commisson on Human Rights (CHR) na tanggalin ng Department of Transporatation (DOTr) ang train ban sa mga senior citizens.

Tinawag na ‘discriminatory’ ni CHR Focal Commissioner on Ageing and the Human Rights of Older Persons Karen Gomez-Dupin ang train ban ng DOTr dahil hinahadlangan nito ang mga essential services na kailangan ng matatanda.

Naglabas ng pahayag ang CHR matapos mapabalita ang isang senior citizen na naglakad nang halos isa at kalahating oras patungo sa MRT3 North para kunin sana ang pension ng kanyang asawa at bumili ng maintenance medicines ngunit wala itong nagawa nang isakay siya pauwi ng Inter-Agency Council for Traffic.

Ayon kay Gomez-Dupin, isa itong ‘misinterpretation’ ng general community quarantine rules dahil sa ilalim nito ay pinapayagan ang mga matatanda na lumabas ng kanilang mga tahanan kung ito’y para sa kanilang trabaho at pangunahing pangangailangan.