• Radyo Pilipino News Team

Civil Service Commission, Naglabas ng Alternative Work Agreements

Naglabas ng alternative work agreements ang Civil Service Commission (CSC) para sa mga empleyado ng mga government agencies bunsod parin ng corona virus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay chairperson Alicia de la Rosa-Bala, mahalaga na magampanan pa rin ng mga government agencies ang kanilang mga tungkulin kahit nasa mahirap na kalagayan ang bansa.

Dahil dito iminungkahi ng CSC ang work-from-home system, skeleton workforce, compressed workweek at staggered working hours.

Samantala, responsibilidad ng bawat ahensya ng gobyerno na ilabas ang mga guidelines na kanilang ipapatupad para sa mas epektibong trabaho.